Thursday, July 24, 2008

Anong nangyayari sa mga nilalang pag matagal akong hindi nag popost?

Matagal tagal na akong hindi nag tuturo ng mga gintong aral sa mga masuswerteng nilalang na napadapo ang mga paningin sa perpekto kong blog, dahil sa naging busy ako lately. Anyway, di ko lubos maisip na grabe pala ang nagiging epekto sa daigdig tuwing hindi ako sumusulat ng blog. Ang bigas ay nag kukulang, ang krudo at pamasahe ay tumataas ng presyo, madaming na ra-rape at na a-aksidente, at madaming nasasalanta ng bagyo. Dahil dito ibat-ibang paraan ang naisip ng mga tao para mag maka-awa sakin upang ako'y muling sumulat.



May mga nag mumuni muni




May mga nawawalan ng pag-asa




May mga nag wewelga




May mga nag wewelga mag isa




Check ng check ang mga matatanda kung may bago na akong post




Pati narin ang mga bata


Wag kayong mawawalan ng pag-asa mga fans. Buhay pa ako. So meroon pa kayong rason mabuhay. Ilayo nyo na pansamantala ang mga cutter sa pulso nyo. Itago nyo na muna ang mga lason sa cabinet. Habang buhay pa si Adrian, tiyak na may pag asa pa guminhawa ang buhay nyo. Namnamin nyo na ang post na ito, dahil hindi ko ulit sure kung kelan ako mag uupdate. Anyway, wag nyo kakalimutan i bookmark ang blog ko ng dalawang beses. Tsaka ipag kalat nyo ito sa mga inyong kakilala, tiyak na matutuwa sila sayo para lang sa pag tuturo sa kanila ng ganito kagandang bagay sa internet.

Saturday, July 12, 2008

Ano ang mundo kung WALA si Adrian Alaba?

Panget.

Monday, June 30, 2008

Kailangan ng Mundo ng Karagdagang Adrian Alaba

Napansin mo ba na parang papangit ng papangit ang lagay ng mundo natin ngayon? Impyerno na ang init ng araw, libo-libo na ang pinapatay ng mga bagyo, kaliwat kanan ang krimen, laganap ang corruption, kahirapan, drugs, prostitusyon, mga naliligaw at mga nalulungkot...

Walang dudang ang kailangan ng daidig natin ngayon ay madami pang ng ADRIAN ALABA. Maliban sa pagiging perpektong tao si Adrian, astig din syang modelo para sa mga flawed (hindi perpekto) people like YOU. Kung ang populasyon ng tao sa mundo ay binubuo ng madaming ADRIAN ALABA, tiyak na lahat yayaman, bibilis ang pag-asenso ng siyensya, sasaya ang lahat at lahat ng tao, mawawalan na (TALAGA) ng bobo, magkakaroon na ulit ng magandang music sa radyo, magkakaroon na ulit ng guapong artista sa tv at sine na marunong umarte, magkakaroon ng matitinong lalake para sa mga babae, magmamahalan ang buong daidig at masusugpo ang mga digmaan, walang mapupuntang impyerno, lahat langit :D

Unfortunately, dalawang klase ng tao lang ang ginawa sa mundo, una ay si Adrian, siya ang ginawang modelo ng perfection ng tagapag-likha at pangalawa ay yung mga imperfect people (tulad mo) na nagmula sa ungoy (or sa putek, depende sa gusto mong paniwalaan.)

Kaya ko ginawa ang bibliya ng Adrianismo dahil ito NALANG ang pagasa ng pagbabago ng buong daigdig. Masyadong sinira ng mga naunang henerasyon ang lagay ng mundo ngayon at masyadong naliligaw naman ang mga kabataan (maliban sakin). At dahil nag-iisa lang ang walang hangganan kong ka-astigan, ang tangi nyo nalang pwedeng gawing mga walang kwentang tao kayo ay ang sumunod sa aking mga perpektong yapak.

Lahat ng taong hindi luluhod at sasamba kay Adrian Alaba ay habang buhay susubukan ni lord bago siya mamatay at mapunta ng impyerno para bigyan ng pasakit ni Satanas. Luha, sakit, pagsisisi at pagkatalo lang ang mararanasan ng mga panget na taong hindi kikilala kay Adrian bilang bayani.

Sa Adriyanismo mo matututunan kung paaano ang tamang paraang ng pamumuhay. Kung hindi mo pa nababasa ang bibliya ng Adriyanismo, naliligaw ka, wala kang landas at wala kang direksyon. Kaya ano pa ang hinihintay mo, subukan mo nang isalba na kaluluwa mong patapon, lagyan mo na ng mga tunay na katalinuhan ang iyong pag-iisip na kasalukuyang mang-mang.

"Ang mga taong hindi nagbabasa ng Bibliya ng Adriyanismo ay mga bobo at hindi marunong magbasa. Ikaw, bobo ka ba?"

Saturday, June 28, 2008

Adriyanismo and the others...

Ang Adrianismo ang tawag sa pinaka mataas na uri ng relihiyon sa mundo. Kilala din ito bilang 'Perpektong Relihiyon'. Sinasamba nila ang perpektong taong si Adrian Alaba. Magaling sya sa lahat at hindi siya nagkakamali. Meroong ibat-ibang uri ng sub cultures na mas mababa ang level kung ikukumpara sa Adrianismo. Hanapin mo kung saang mababang uri ng kultura ka nabababagay.

Rakista - ito ay grupo ng tao na kailangan mag mukhang banda, kailangan asal banda sila at kailangan bihis banda sila 24/7 kasi sila ay mga insecure na tao at ayaw nilang isipin ng mga rakista buddies nila na hindi sila rakista enough. Phuck talent! Gwapings naman ang mga bandang sumisikat sa Pilipinas eh... (Kras kita woo ohh) Kadiri! Pero hindi lahat ng rakita puro guwapo lang, yung ibang grupo ay nag papapangitan, ewan ko kung bakit. Kung sino yung pinaka mukhang hindi naligo ng tatlong araw siya yung pinaka rakista.

One time, nakakita ako ng rakista na nag papatugtog ng malakas sa library sa school gamit ang kanyang cell phone. Talk about stupid! Library to asshole! Kung hindi ka mag-aaral wag ka nalang pumasok, lumuwag pa ang corridor na lalakadan ko. Use a head set jackass! No one cares kung anong banda ang pinapakinggan mo ngayon! Not even your mom!

HipHop (Highly Ignorant People Having Oversized Pants) - Oo sila yung naka sign ng east side o west side sa friendster kahit na wala namang east side west side sa Pilipinas. Palakpakan nyo ang sarili nyo, ganap na kayong ignorante. Kung akala mo ay magiging kasing yaman ka ni P.Diddy sa kaka east side west side mo, think again. But then again your proud to be ignorant so you'll probably take my advice for granted. Madami silang pekeng bling-bling, pekeng jersey, pekeng cap at pekeng shoes. Pero they don't care kung original ba o fake as long as it looks STUPID! Madami silang iniiskoran na babae, pero hindi ito dahil ignorante sila o mukha silang tanga sa panlabas, dahil ito sa tulong ng alak ^_^;

One time nakakita ako ng isang grupo ng hip-hop na nagiinuman sa isang bar gamit ang allowance na binigay ng parents nila. Nakatingin sila sakin habang bumababa ako sa Porsche 911 ko (binili gamit ang sweldo ko bilang DATU NG DAIGDIG!) kasama ko ang mga babaeng Brazilian, Thailander, Korean, Russian at Canadian. (Ilan sa mga babaeng nasa harem ko.) Hindi nawala ang tingin ng mga ignoranteng hip-hop sakin habang sinusubukan akong lasingin ng mga babaeng kasama ko upang maka score sila. Promise :)

Emo - suicidal crybabies with P100 hairstyle. Psychologically, baliw lahat ng tao na nag susuicide. Pero dahil masyadong image concious ang mga tao ngayon, emo nalang ang mga itatawag natin sa mga ganitong klase ng tao. C o_O L ganito sila mag-isip: Malungkot ako araw-araw, tingin ko sa sarili ko ay walang halaga, walang nakakaintindi sakin, hindi ko na kayang ngumiti, parang gusto ko na sumuko, gusto ko na mag pakamatay, pero hindi ako baliw, EMO AKO!!! Astig?

One time may kinausap akong emo, kinuwentohan nya ako kung gaano kasakit ang iiwan ng iyong minamahal, tinalakay nya rin na gusto nyang mag pakamatay. Kayalang kalagitnaan ng kwento nya, naalala ko na wala nga pala akong pakialam kaya umalis na ako matapos kong pagtawanan lahat ng paghihinagpis nya. Fix your life...

Anak Mayaman - Madaming pera ang taong meroong mayaman na papa, unfortunately karamihan sa kanila ay walang talento at walang ambisyon kaya masasayang lang lahat ng pinagpaguran ng kanilang parents sa pagpapaaral sa kanilang ungas na anak. Sa kanila matatapos ang magandang henerasyon ng pamilya nila. Kadalasan kasama nila ay mga taong mayaman din si papa. Nagsama ang mga tanga. Pero meroon ding iilan na mayaman si papa pero may taglay na talino at talento. Kaya nga sisiguraduhin kong gawing empleyado ko sila sa kumpanya ko.

One time nakakita ako ng taong mayaman ang papa sa gateway. Sabi ko 'Hoy, hula ko tanga ka.'. Sumagot siya 'Mayaman naman.' Tch... ni hindi na sya nag abalang ipagtanggol ang sarili nya nung sinabihan ko sya ng tanga. Kung anak mayaman ka at ang nagawa mo lang sa buong buhay mo ay ang manatiling mayaman, WALA KA PANG GINAGAWA!

Thrasher - walang kwenta, hindi pa sila gaanong sumisikat nalaos na sila. Kalahati kasi ng tao sa pilipinas ay nakikiuso lang naman. Wala silang sariling identity. Clone lang sila ng kung sinong napanood nila sa tv o nakita sa magazine. Nakakahiya kayo.

One time nakakita ako ng thrasher, nilabas ko kaagad lahat ng basura namin para kunin nila. Laging maganda ang serbisyo ng thrasher tuwing mag-papasko kayalang meroon silang bitbit na envelope na lalagyan mo ng pera sa mga buwan na iyon.

Friendster Addict - Sobrang astig ang layout ng profile nila na wala namang makakakita. Parang pinaghirapan talaga nilang i copy paste yung html at css. Madami silang friends kuno, at madami din silang testi kuno. Aksaya ng bandwith sa internet ang profile nila sa friendster. Hindi nila alam ang pinagkaiba ng send message at add comments. Medyo nakakaawa yung talino nila. Pinaka paborito kong tipo ng friendster addict eh yung mga chixors na cam whores! Two thumbs up! You + Friendster = Porn Site.

One time nakakita ako ng friendster addict at hindi nya binabasa ang blog ko. Walang kwenta nga naman ang existence nya oh! Bakit nag friendster ka pa kung hindi mo din lang babasahin ang perperkto kong blog? Dapat namatay ka nalang! More air for me.

Hopeless Romantics - parang emo sila, kayalang more on the romance side of things. Nagsisimula ang pangalan NILA sa 'C' at nag tatapos sa 'N' (joke lang ^_^;). Baliktad ang epekto ng mga binibigay nilang tsokolateng 'FERRERO' sa mga girls. (joke ulit). Masyado na yata akong madaming pinapatamaan ng mga hopeless romantic kong mga friends. Tatahimik na muna ako...

NOT! Hindi nila ako kasing guapo at wala sa kalingkingan ng sex appeal ko ang sa kanila! Eto ang isang tip upang lumaki ang pag-asa nyo sa mga girls. Wag nyo akong ipakilala sa kanila. Kasi kapag nalaman ng mga babae na meroon palang isang lalaking katulad ko, tiyak na ang tipo ko ang hahanapin nila. Unfortunately sa mga girls mag-isa lang si Adrian na ginawang perpekto ng panginoon natin. Lahat ng ibang mga lalaki ay parang libag lang ng ka-astigan ko. Unfortunately ulit for the girls hindi porket god's gift to women ako e ma e-entertain ko kayong lahat. Kaya kailangan nyo nalang minsan mag tiyaga sa mga lalaking libag lamang ng aking ka-astigan.

Madaming ibang lalaki dyan, hindi kasing guapo, kasing talino, kasing bait, kasing sipag, kasing mapagmahal, kasing mapagalaga, kasing maaalahanin, kasing talentado, kasing makatao, kasing makadiyos, kasing makabansa, kasing layo ng aking mararating, at kasing humble ko pero marami sila.

Taong nag babasa ng blog ko - Pinagpala sila ng diyos dahil alam nila kung ano ang iisang bagay na may kwenta sa internet. (Clue: Blog ko.) Alam din nila na ginawa ang website na friendster upang meroong mapag lagyang ng perpektong blog ang perpektong taong si Adrian. Perpekto, perpekto, Adrian, Adrian, perpekto.

Meroong dalawang uri ng taong nag babasa ng blog ko. Yung una ay yung mga taong ignoranteng mang-mang na galit na galit sakin kasi sa kanya daw tumatama lahat ng salitang binabato ko. (Don't flatter yourself. You're not that special to me.) Yung pangalawa ay yung matataas ang IQ at meroong sense of humor. Na gegets nila kung saan ako papunta at kung ano ang pinaggagagawa ko.

Biyso man - Kung nag tataka ka kung bakit mayaman ang may ari ng San Miguel at Marlboro, sila ang mga sagot. Sa tingin nila kapag umiinom sila ng beer at humihithit ng yosi astig na sila, alam nyo kung ano ang mas astig? Ang mag drive ng kotse ng hindi bumubungo at ang maging physically fit at hindi hingaling bata.

One time meroon akong nakitang nag-iinumang mama. Medyo astig nga kaya na curious ako, kayalang nung nag simula silang mag sukahan sa kung saang kanal na makita nila hindi na nila ako nahikayat gumaya.

Marami pang ibang sub cultures sa society natin na umiilalim sa relihiyon ng Adrianismo. At hindi ko na ito isusulat lahat. (People don't care about them kase.) Kahit anong klase ng tao pa ang tinatawag nyo sa sarili nyo chances are, mas mababang uri ka ng tao kung ikukumpara sa Adrianismo.

Sunday, June 22, 2008

Adrianology 101

Ang Adrianology ay isang sanga ng siyensya at pilosopia kung saan sinasagot ang katanungan na "Bakit ba sobrang astig si Adrian?". Who cares what the meaning of life is? Who cares whether a "God" truly exist, Adrianology answers the real question that needs real answers. Dito kayo makakakita ng totoong pag-asa. Dito kayo makakakita ng pinaka tamang daan. Isasalba ko kayo sa inyong kasalanan, after you stop commiting sin you sinful phuck! Throw away your 'Purpose driven life' book and other trash like that. This is the real deal. If this doesn't bring you enlightenment you can get your money back. Unfortunately for you its free, so there!

Prologue: Sino si Adrian Alaba?

Kung hindi mo kilala kung sino si Adrian, hindi iyon dahil hindi siya kilala o sikat, dahil yun ignoranteng tao ka at hindi mo alam ang nangyayari sa kapaligiran mo. Masyado kang busy kakatawa sa wowowee kahit na pag isang milyong beses mo na nakakita ng taong sumasayaw ng bumtarat-tarat.

Si Adrian ang taong sadyang ginawang perpekto ng diyos (kung meron man). Hindi siya nagkakamali, magaling siya sa lahat ng bagay at lahat ng tao ay nag mumukang tipak ng tae kung ikukumpara sa kanya. Oo mas magaling siya sayo, mas astig siya at di hamak na mas magandang nilalang.

Pangarap niya maging 'DATU NG BUONG DAIGDIG' at dahil si Adrian ang nangarap siguradong maaabot niya iyon. Sa pagiging datu niya, papalibutan siya ng mga alagad (aka. Kayong lahat.) At araw araw nyo siya pag sisilbihan, babathalain at sasambahin. Lahat ng babae ay mangangarap masulyapan ang taglay na ka kisigan ni Adrian at lahat ng lalaki ay mangangarap na maging si Adrian. Pero syempre, imposibleng maging si Adrian ang isang normal na nilalang dahil hindi kayo perpekto 'You imperfect pieces of sheet'.

Merong mga tao na maaaring di sang-ayon sa pangarap ni Adrian pero masyado silang duwag at pinili nalang nilang manahimik sa isang tabi at panoorin nalang kung paano ko pag haharian ang BUONG DAIGDIG! (i'm looking at you o_0).

Ang mga taong nakakikilala naman kay Adrian ay masasabing favorite ni Lord, dahil binigyan sila ng isang kaibigang perpekto. Biruin nyo, sa milyon milyong tao na nabubuhay sa mundo natin ilan lang kayong nakakakilala sa perpektong taong si Adrian na saksakan ng ka-astigan. Kung nagiging pagkain lang ang ka-astigan ni Adrian, wala na sanang 'World Hunger'. Kung pera lang ang ka-astigan ni Adrian, wala na sanang 'Poverty' (*naghihirap illiterate asses!).

Papag-aralan siya sa history sa mga susunod na henerasyon bilang pinaka astig na pinuno ng DAIGDIG! Gagawa ang mga tao ng mga dasal, kanta, sine, dula, tula, painting, pagkain, damit, sapatos, laruan, soap opera, computer, software, underwear, sex scandal (may title na Adrian X) tungkol sa kanya at sa kung gaano siya ka-astig!

Tatangalin na sa aklat lahat ng hindi importanteng impormasyon tulad ng kung sino ba si "Jose Rizal". Psh! Wala namang importanteng ginawa yun kundi ang mabaril. Kapag sinilip mo ang salitang 'Perfect' sa english dictionary ay babalandra sa iyong mata ang malaking larawan ni Adrian at muli kang mamamangha sa kung gaano ka astig ang pag kaka molde ng mga diyos sa kanyang mukha. Maiinsecure ka sa pangangatawan mo at sasabihin mo sa sarili mong "unfair si god!"

Masterpiece ako ni lord... at ikaw ang joke niya , need I say more?